Para sa Kapamilya actress na si Heaven Peralejo, hindi umano dapat ikahiya ang pagkakaroon ng mga "imperfection" sa balat at katawan, kagaya na lamang ng "acne" o pagkakaroon ng malalaking tigyawat sa mukha.

"Just a daily reminder that having acne is nothing to be ashamed of!" ayon sa Instagram post ni Heaven noong Agosto 24, 2022.

Ibinahagi ni Heaven ang kaniyang mga litrato habang nakasuot ng itim na bikini. Ayon kay Heaven, ilang taon na rin siyang nakikipagsagupa sa "acne struggles" at sa pagdaan ng panahon ay natutuhan na rin niyang yakapin ang kaniyang flaws. Hinikayat ni Heaven ang lahat na i-promote ang body positivity.

"I’ve struggled battling with acne for so many years. I had a hard time accepting my skin because it just got worse to the point that it also affects my body weight."

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"I was so scared to be judged, especially in the industry I’m part of. And then I realized that the problem is with those people who criticize you for being human. I am aware of my flaws and I embrace them."

"Never let anyone make you feel bad about yourself because of normal things! Love yourself and take care of yourself," aniya pa.

Kitang-kita naman ang kaseksihan ni Heaven habang nakasuot ng itim na bikini.