Gigibain ng Lapu-Lapu City government sa Cebu ang mga floating cottage kung hindi makikipagtulungan sa pamahalaan ang mga may-ari nito.

Ito ang banta ni City Mayor Junard Chan matapos umani ng batikos ang operasyon ng negosyo sa karagatang sakop ng Barangay Marigonon kasunod na rin ng pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nakadadagdag lamang ito sa pagtaas ng coliform bacteria sa Cordova na katabi lamang ng lungsod.

Ayon sa alkalde, personal niyang ininspeksyon ang karagatang bahagi ng lungsod at nagulat siya sa dami ng mga cottage sa lugar.

“Aside from that, they don’t have permission to build in the location, there is no septic tank and human excretion will go directly to the sea,” ayon sa social media post ni Chan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“We have a lot of marine sanctuaries that we are protecting and a lot of fisherfolk in the city that are dependent on this livelihood," pagdidiin ng alkalde.

Kaugnay nito, nanawagan si Chan sa mga may-ari ng floating cottage na makipagpulong sa kanya upang maisaayos ang kanilang negosyo.

Ipatatanggal aniya nito ang mga cottage kung hindi makipag-ugnayan sa kanya ang mga may-ari nito.