Bumaba pa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa matapos maitala ang 2,565 na nahawaan nitong Sabado, Agosto 27.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na naglalaro sa mahigit 2,000 ang kaso ng sakit sa Pilipinas.

Nitong Biyernes, Agosto 26, umabot sa 2,986 ang kaso ng sakit sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Nasa 3,872,405 na ang kaso ng sakit sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Sa 2,565 cases, 865 ang naitala sa Metro Manila.

Gayunman, nakapagtala pa rin ang ahensya ng 52 na binawian ng buhay sa sakit nitong Sabado.

Panawagan pa rin ng DOH, sumunod pa rin sa safety and health protocols upang hindi na lumaganap nang husto ng Covid-19.