Maaaring bumaba sa 600 sa pagtatapos ng Setyembre ang arawang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manil matapos pumatak sa mas mababa pa sa 1 noong nakaraang linggod ang reproduction number ng rehiyon, anang independent research group na OCTA.

Sa isang update na ibinahagi sa Twitter noong Sabado, Agosto 27, sinabi ng research fellow OCTA na si Dr. Guido David na ang reproduction number ng Metro Manila—ang average na bilang ng pangalawang impeksyon ng bawat nahawaang indibidwal—ay bumaba sa 0.99, noong Agosto 23, mula 1.02, noong Agosto 16.

Larawan mula OCTA Research Fellow Dr. Guido David/via Twitter

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

“The last time the reproduction number was less than 1 was on May 11, 2022. A reproduction number below 1 indicates infections are trending downward,”  ani David.

“However, as noted before, new cases in the NCR (National Capital Region) are decreasing at a slow rate,” dagdag niya.

Batay sa pinakahuling monitoring ng grupo, bumaba ang lingguhang testing positivity rate ng Metro Manila sa 13.6 percent, noong Agosto 25, mula sa 14.7 percent noong Agosto 18.

Sinabi ni David na ang mga bagong kaso sa Metro Manila ay bumaba din sa pitong araw na average na 1,002, na may average na daily attack rate na 6.96 kada 100,000 at isang linggong growth rate na -9 percent.

Bumaba din sa 35 percent at 27 percent ang healthcare utilization ng Metro Manila at ICU occupancy para sa Covid-19 cases, simula noong Agosto 25, mula sa 37 percent at 31 percent, noong Agosto 20.

“With the current pace, it could take eight weeks before the positivity rate decreases to less than 5 percent—low positivity rate based on the WHO (World Health Organization),” ani David.

“Also, with the current pace, new cases in the NCR are expected to decrease to less than 600 by end of September,” dagdag niya.

Ellalyn De Vera-Ruiz