Nais ng isang babaeng mambabatas na amyendahan ang Anti-Bullying Law o ang Republic Act 10627 upang patawan ng mas matinding kaparusahan ang nagsasagawa ng pambu-bully.

Naghain ng House Bill 2886 (Stop Bullying Act of 2022) si Party-listPuwersa ng Bayaning AtletaRep. Margarita Nograles upang masaklawannito ang mga paglabag ng pambu-bully sa lugar ng trabaho at maging sa internet.

“This bill seeks to stop bullying by placing ‘Hammurabi’s Code’ on the law by attaching penalties and huge fines and creating a more peaceful and tranquil environment for our children and human beings in general,” ayon sa panukala.

Naniniwala ang kongresista naang kasalukuyang batas sa bullying ay lipas na at "kulang sa ngipin" upang ma-discourage ang bullying.

Layunin din ng panukala na saklawin ang lahat ng uri ng bullying sa lahat ng kasarian at age groups at hindi lang para sa mga bata.

Sa ilalim ng HB 2886, papatawan ng criminal at civil liability ang mga tao na napatunayangnakagawang bullying, kabilang ang mga adults o iyong nasa sapat nang gulang o lampas sa 21 taong gulang.

Ang nakagawa ng bullying na lampas sa 15 taong gulang pero wala pang 18 at napatunayang alam ang kanyang ginagawa, ay hindi exempted sa ano mang criminal liability.