Nakatanggap ng warning ang beauty pageant analyst na Missosology mula sa organizers ng Thailand-based organization na Miss Grand International (MGI).

Ang warning ay hinggil sa mga pag-upload ng Missosology ng mga larawan ng mga beauty queen sa ilalim ng MGI na wala umanong pahintulot.

Alinsunod dito, hiniling ng panig ng MGI sa Missosology na agarang tanggalin ang larawan ng kasalukuyang Miss Grand International 2021 na si Nguyen Thuc Thuy Tien.

"Super urgent! To the Missosology team Missosology, MGI as owner of all copyright and according to our previous warning letter send on to you not to post anything related to MGI without our consent," pahayag ng MGI.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi pa nito na kung hindi buburahin ng Missosology ang mga larawan ng mga MGI beauty queens ay lawyer na ng organisasyon ang haharap sa kanila.

"Please immediately remove MGI queen photos within 6 PM Philippines time or our lawyer with be in contact with you, thank you," anang MGI.

Wala pang pahayag ang kampo ng Missosology hinggil sa isyu.