Bibida sa kaniyang kauna-unahang acting stint ang Kapamilya singer na si Jayda para sa live series adaptation ng isang hit Pinoy Wattpad novel.

Kagaya ng kaniyang celebrity parents na si Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, papasukin na rin ni Jayda ang acting career ngayong 2022.

Ito ang inanunsyo ng 19-anyos na artist kasunod ng matutuloy nang adaptation ng “Teen Clash” sa pagsasanib-puwersa ng IWantTFC at Black Sheep.

Makakasama ni Jayda na gagampanan ang karakter ni Zoe, sina Markus Paterson na bubuhayin ang karakter ni Jude at Aljon Mendoza bilang si Ice.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pagbabahagi ni Jayda, taong 2020 pa nang unang ihapag sa kaniya ng ABS-CBN bosses ang naturang proyekto.

“2 years ago when a certain project was pitched to me by Inang Olive Lamasan and ABS CBN Films, I took the chance to immerse myself into its story, which was from Wattpad; and being a longtime Wattpad reader and a true bookworm at heart, I was hooked and knew from then on that I wanted to be a part of it! ♥️” mababasa sa Instagram post ni Jayda.

Bagamang kabado sa kaniyang unang acting project, excited si Jayda na masimulan ang “new adventure” kasama ang co-stars.

Certified proud dad naman si Dingdong sa bagong milestone ng career ng kaniyang unica hija.

"This is it! When it rains it pours.🙏Congratulations!!! I am truly excited for you. To God be the Glory!" komento ng ama sa Instagram post ni Jayda.

Bakas naman ang excitement ng fans sa mga komento nito para kay Jayda at sa hit-Wattpad adaptation na ilan taon na pa lang naunsyami.

Taong 2014 nang unang ianunsyo ng ABS-CBN ang pagsasabuhay sa sikat na nobela na sana'y pagbibidahan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Samantala, ang young filmmaker na si Gino Santos ang magsisilbing direktor ng seryeng hango sa Wattpad.