BAGUIO CITY – Pinuri ng mga opisyal at empleyado ng isang mall sa Baguio ang isang security guard na nagsauli ng bag na naglalaman ng P600,000, noong Agosto 25.

Sinabi Jill Galario, information officer ng SM City Baguio, habang nag-iikot si SG Rodney Visperas sa rice section ng SM Baguio's Supermarket, ay nakita niya ang pink sling bag sa ibabaw ng rice display.

Agad itong itinurn-over kay Gladelyn Fernandez, regular cashier at customer service assistant.

Ang bag ay naglalaman ng 6 na bundle ng P100,000.00 cash.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Ayon kay Galario, isang babaeng customer kasama ang kaniyang anak ang pumunta sa customer service at humingi ng tulong para sa nawala nitong pink sling bag na naglalaman ng P600.000.00 cash na naiwan sa loob ng supermarket.

Matapos ang masusing beripikasyon ng customer service, naibalik sa may-ari na taga-Baguio City rin noong araw ding iyon ang nasabing bag at cash money.

Si Visperas, ng Mangaldan, Pangasinan ay isang roving uniform guard sa SM Baguio Supermarket at isang taon nang nagtatrabaho sa SM sa ilalim ng Sabre Alpha Security Agency.

Naging magandang ugali na ng mga SM employees na gumawa ng kabutihan tulad ng pagsasauli ng mga nawawalang gamit at himukin ang lahat na maging mabuting halimbawa sa komunidad.

“Ang pagpapakita ng mabubuting gawa ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa maraming paraan, ang ginawa ni Visperas ay muling napatunayang inspirasyon sa kanyang katapatan at integridad, na dapat tularan sa kanyang tapat na paglilingkod,” pahayag pa ni Galario.