Ibinahagi ng 75 anyos na si Manay Lolit Solis ang nararanasang hirap ng kaniyang dialysis session sa panibagong update ng kaniyang nagpapatuloy na pagpapagaling.

Sa isang Instagram post, Biyernes, aminado si Manay Lolit na hirap siyang makita ang pag-asa sa kaniyang dialysis session, bagay na ikinatuwang bakas naman sa mga kasabayang pasyente.

“Nasa dialysis chair na naman ako Salve. Apat na oras na naman ako mag people watching, observing mga dialysis patients like me. Nakakatuwa naman na accepted na nila ang mga kalagayan nila, na parang regular thing na lang ang nagaganap, na magiging normal ang buhay nila after the treatment na sinasabing nagpro prolong ng buhay,” anang showbiz veteran.

“Hindi nga preventive ang dialysis, pero sabi nga, mas hahaba ang buhay mo pag ginawa mo ito, kaya siguro may hope sa bawat mukha ng mga nasa dialysis machine. Naku, talaga lang siguro likas ang pagka maldita ko, kaya hindi ko ma feel iyon hope na iyon,” dagadag ni Manay.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya pa, “kung gagaling ka, tiyak na gagaling ka.”

“At lalo ako naiinis pag narinig ko na iyon iba ang tagal ng ginagawa ang dialysis. Ewan ko ba kung bakit hindi tulad nila na parang happy sa kanilang kalagayan. Siguro nga ‘pag maysakit ka iyon hope ang huwag mo alisin sa utak mo. Iyon ay kung gusto mo pang ituloy ang buhay mo. Pero kung siguro wala ka ng motivation, mahirap ng ituloy pa ang pangarap mo na humaba pa ang buhay mo,” dagdag ng showbiz insider.

Ani Manay, “talagang dusa” ang bawat apat na oras na dialysis session.

“Kung anu-ano talaga pumapasok sa utak ko. Kaya dapat, matapos na ito or else , suko na ako,” mabigat na saad ni Manay.

Base sa kaniyang naunang mga update, nakatakdang sumailalim sa kidney transplant si Manay Lolit.

Basahin: Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid