Kahit natalo laban sa Lebanon, 85-81, pinahirapan pa rin ito ng Gilas Pilipinas na pinangunahan nina Filipino-American NBA star Jordan Clarkson at 7'2" center Kai Sotto, sa kanilang FIBA World Cup Asian qualifier sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

Sa unang bugso ng laban, umabante ang Philippine team, tampok ang 11 puntos ni Clarkson.

Gayunman, ginamit ng Lebanon ang kanilang home court advantage at nakuha pa rin ang abante, 49-47, kahit nailusotni Clarkson ang kanyang off-balanced buzzer-beater triple sa huling segundo ng first half.

Sa third quarter, kontrolado na ng Lebanon ang laro, 68-63. Hindi naman nagpabaya ang Gilas nangmaipuwersa sa 71-all sa huling bahagi ng laban kasunod ng slam dunk ni Sotto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod dito, binutata rin ni Sotto si Ali Haidar, gayunman, nakuha niWael Arakjiang bola at nagpakawala ng tres, 83-78.

Naka-tatlong puntos pa ang National team na ginantihan naman ng dalawang puntos ng Lebanon hanggang sa maiuwi ang panalo.

Kabilang naman sa kumamada sa Gilas si Clarkson sa nakuhang 27 puntos, pitong assists at anim na rebounds, 18 puntos naman kay Dwight Ramos, nagdagdag naman ng 11 puntos si Japeth Aguilar at 10 puntos ni Sotto.

Pinamunuan naman ni Arakji ang Lebanon sa naisalansan na 24 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists.

Nakatakda namang umuwi sa bansa ang Gilas upang harapin ang Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Lunes, Agosto 29.