BAGUIO CITY – Iniulat ng Department of Agriculture-Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na umaabot sa inisyal na₱44,010,647.46 milyon ang iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyong Florita sa rehiyon ng Cordillera.

Sinabi ni Cameron Odsey, regional director ng DA-Cordillera, iniulat ng Operation Center dakong alas 5:30 ng hapon ng Agosto 25, may kabuuang₱34,973,776.52 ang pinadapang pananim na palay sa rehiyon.

Sa nasirang taniman ng mais ay umaabot sa halagang ₱7,254,750.00 ang nasira, samantalang sa High Value Crops, na kinabibilangan ng mga upland at lowland vegetables at prutas ay umaabot naman sa ₱1,782,120.94.

Ang lalawigan ng Kalinga na karatig lalawigan ng Isabela at Cagayan, na naging sentro ng bagyong Florita, ay nasira ang pananim na palay at mais na may halagang₱34,887,757.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang Apayao na dinaanan patawid ng bagyo mula sa Isabela patungong Ilocos Region ay sinira din ang mga pananim na palay na may halagang₱7,150,140.85.

Sa Mt. Province pawang mga high value crops ang sinira ng bagyo na umaabot sa₱1,782,120.94, samantalang sa Ifugao na karamihan ay pananim na indigenous rice ang nasira na may halagang₱142,878.67

Sa Abra na halos 'di pa nakakabangon sa pinsala ng magnitude-7 earthquake, na sinundan ng bagyong Florita ay napinsala din ang palayan na₱47,740.

Ayon kay Odsey, inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga napinsala kapag nakumpleto ang isusumite ng bawat local government unit ng bawat lalawigan at isasailalim pa rin ang mga ito validation upang makakuha ng mas tumpak na datos para sa naaangkop na kinakailangang interbensyon.