Usap-usapan ang biglang paglitaw ng mga billboard sa buong bansa kung saan nakasulat ang pangalan ni Reinzel C. na pinakikiusapang i-check ang kaniyang crypto wallet sa Maya app. Nagbunsod ng kuryosidad sa ilang netizen kung sino ang taong ito at kung bakit pa siya ipina-billboard para lamang tingnan ang kaniyang crypto wallet.

Marami pang mga impormasyon tungkol kay Reinzel C. ang isiniwalat ngayong Biyernes, mula sa Maya Facebook Page.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ayon sa mismong post ng Maya page, nakatanggap ng Bitcoin na may katumbas na halagang₱1,000,000 si Reinzel, isang estudyante galing Cebu City.

Nang usisain kung ano sa palagay niya ang ginawa niya upang mag-qualify, sinabi ni Reinzel na hindi n’ya rin alam kung paano n’ya nakuha ang ganito kalaking halaga ng Bitcoin. Gayunpaman, nabanggit niya na isa siyang loyal user ng money app at huli niyang ginamit ang kanyang Maya account sa pag-order ng pagkain online, ilang araw ang nakalipas.

“Hindi ako sumali sa kahit na anong contest o promo. Pero ilang araw bago lumitaw ang mga billboard, naaalala kong ginamit ko ang Maya mobile number ko sa pagbabayad ng order ko sa McDo,” pagbabahagi ni Reinzel.

Nitong ilang linggo ay pinawiwindang ng Maya ang kanilang mga user—magmula sa iba’t ibang post ng mga netizen na nakatanggap sila ng libreng Bitcoin, hanggang sa pagsulpot ng mga billboards na nag-fefeature ng mga pangalan ng ilang Maya users, at nagsasabing “Check your Crypto Wallet.”

Kahulugan ng Crypto

Ang cryptocurrencies ay decentralized digital currencies na ginagamit para sa mga online na transaksyon. Kailangan ng tradisyunal na currencies tulad ng Philippine Peso para makabili ng mga cryptocurrencies gaya ng Bitcoin. Ang cryptocurrencies gaya ng Bitcoin ay pwedeng gamitin para kumita ng pera online. Karaniwang bumibili ng mga cryptocurrencies gaya ng Bitcoin ang mga crypto enthusiasts at hinihintay na tumaas ang halaga nito bago ibenta para kumita.

Inilunsad ng Maya app (dating PayMaya) ang Crypto feature nito noong Abril 2022. Gamit ang app, maaring bumili, magbenta, at humawak ang mga user ng cryptocurrencies sa halagang kasing baba ng piso. Mayroon itong lisensya ng Virtual Asset Service Provider (VASP) mula sa BSP kaya’t secure ang pagbili at pagbenta ng cryptocurrencies sa Maya app. Ang bitcoin ay kabilang sa mga cryptocurrencies na na-trade sa pamamagitan ng tampok na Crypto feature ng Maya.

Sa kasalukuyan, mas marami pang Maya users ang nakatatanggap ng libreng bitcoin sa kanilang app, at ayon sa Maya ay madami pa na puwede makakuha nito.

Kanina lamang, inanunsyo ng Maya ang kanilang bagong offer kung saan ang mga customers na magbabayad ng at least ₱100 gamit ang Maya QR, at Maya mobile number, at at least ₱800 gamit ang kanilang Maya card, ay makakakuha ng free Bitcoin worth up to P500, hanggang sa September 30, 2022.

Sa bawat pagbayad gamit ang Maya, pwede makakuha ng bitcoin worth 1%, 10%, or 100% of your purchase. Halimbawa, pag bumili ng worth PHP 500, pwede makakuha ng PHP 5, PHP 50 or PHP 500 na libreng bitcoin!

Simula naman bukas, may chance ang mga Maya users na makakuha ng ₱1M worth of Bitcoin, tulad ni Reinzel. Kailangan lang magbayad gamit ang Maya. Hinihikayat ng Maya and paggamit ng kanilang app sa maraming transactions para sa mas maraming tsansang manalo buwan-buwan, tuwing promo period.

Sa mga Maya users na naghahanap ng tsansa na maging susunod na bitcoin milyonaryo, siguraduhin na silipin ang inyong Maya crypto wallet para sa surpresang halaga ng bitcoin na matatanggap sa bawat Maya transaksyon na gagawin.