Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa bahagi ng Catanduanes nitong Biyernes.

Ang naturang sama ng panahon ay nasa 135 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes at inaasahang magdulot ng malakas na pag-ulan sa Bicol Region. Eastern Visayas at Quezon.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible ring magdulot ng flash floods at landslides ang mararanasang pag-ulan sa mga binanggit na lugar.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na maliit ang tiyansang mabuo bilang bagyo ang LPA.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahang makaranas ng matinding thunderstorm na posibleng magdulot ng hailstorm o pag-ulan ng yelo.

Nitong Huwebes ng hapon, nakaranas ng pag-ulan ng yelong kasinglalaki ng butil ng mais sa Barangay Amaya Uno sa Tanza, Cavite.