Kinumpirma niCommission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera na kapatid niya ang babaeng opisyal umano ngCommunist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) na dinakip ng pulisya sa Quezon City nitong Miyerkules dahil sa kasong multiple murder.

Ang tinutukoy ni De Vera ay si Adora Faye de Vera na inaresto sa pinagtataguan nito saMaalalahanin St., Teacher's Village East nitong Agosto 24 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Iloilo City Regional Trial Court Branch 22 JudgeGuilljie Delfin Lim.

Ayon sa opisyal ng CHED, hindi pa niya nakikita o nakakausap ang kapatid sa loob ng 25 taon mula nang sumapi sa underground movement.

"As a sibling, I hope and pray for her safety and good health in detention as she faces the cases filed against her," anito.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Nilinaw din nito na hindi niya sinusuportahan ang pananaw at desisyon ng kanyang kapatid.

"I fully support the administration of President Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. in its efforts to end the communist insurgency that has destroyed so many lives and property.I will let the law take its course in resolving the charges against her," pagbibigay-diin pa ng opisyal.

Nauna nang inihayag ni Philippine National Police chief, General Rodolfo Azurin, Jr. na bukod sa nasabing mga kaso, nahaharap din si Adora sa kasong rebellion.

Sinabi ni Azurin na si Adora ay "staff officer ng general command" CPP-NPA at secretary ng Central Front ng CPP-NPA Regional Committee – Panay at nag-o-operate sa Western Visayas.