Kinasuhan na sa korte ang driver ng isang sports utility vehicle na sumagasa sa isang security sa Mandaluyong City dalawang buwan na ang nakararaan.
Sa ibinabang resolusyon ng Mandaluyong City Prosecutor's Office nitong Huwebes, nakitaan ng "sufficient cause" ang reklamo laban kay Jose Antonio Sanvicente kaya isinakdal ito ng frustrated homicide.
“Anent the charge for violation of paragraph (2) of the Article 274 of the Revised Penal Code, this Office finds the same diametrically opposed if not incongruent, to the findings of frustrated homicide. Evidently, respondent’s intent to eliminate complainant negates any regard to save or aid his ailing victim,” ayon sa resolusyon ng piskalya.
Matatandaang sakay ng SUV si Sanvicente nang sagasaan nito si Christian Joseph Floralde habang inaayos ang daloy ng trapiko sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at St. Francis Street sa Mandaluyong noong Hunyo 5.
Matapos tumakas ang driver, ang-viral ang insidente hanggang sa matukoy si Sanvicente na may dala ng sasakyan nang maganap ang aksidente.
Inamin naman ni Floralde na pinatawad na niya si Sanvicente, gayunman, itutuloy pa rin nito ang kaso laban sa huli.