LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union - Mahigit₱26.5 milyon ang napinsala sa agrikultura ng bagyong 'Florita' sa Region 1.

Ito ang iniulat na ngDepartment of Agriculture (DA) at Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (RDRRMOC) sa nasabing rehiyon nitong Huwebes.

Binanggit ng RDRRMOC ang malaking halaga ng pinsala sa mga palayan at maisan, gayundin sa mga alagang hayop at poultry.

Sinabi naman ni DA-Region 1 director Jennilyn Dawayan, iniulat ng DA-Operations Center nitong Agosto 25 ang inisyal na pinsala sa mga palayan na aabot sa₱21,954,601.04.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nakapagtala ng malaking lugi ang Pangasinan na umabot sa₱11,441,670.54.

Kasunod nito ang La Union ay nalugi ng 282.44 metriko toneladang palayna nagkakahalaga ng₱5,366,407.50, Ilocos Norte (₱2,925,423.00) at Ilocos Sur (₱2,201,000).

Nilinaw ng DA na ang naturang datos ay ibinatay lamang sa ulat ng mga local government unit (LGU).