Ibinisto ni Senator Francis Tolentino nitong Huwebes ang mga maling nakapaloob sa kasunduan ng Department of Education (DepEd) atProcurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa pagbili ng mga 'outdated at mahal' na laptop na nagkakahalaga ng₱2.4 bilyon.
Ito ay nang mabanggit sa memorandum of agreement (MOA) ang Food and Drug Law na wala namang kinalaman sa usapin ng pagbili ng mga laptop.
Ang MOA ay pirmado nina dating DepEd Secretary Leonor Briones at dating PS-DBM Executive Director Christopher Lao.
Napansin ito ni Tolentino nang igisa nila sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committeeang mga opisyal ng DepEd.
Iniimbestigahan ng Senado ang kuwestiyunableng pagbili ng PS-DBM ng mga mamahaling laptop na gagamitin ng mga guro sa implementasyon ng blended learning sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
“Bakitnakasalidito ang Food and Drug Administration? Bakitnakasaliang Department of Health? Ang pinag-uusapan natin laptop, hind po ito PPE (personal protective equipment). Hindi po ito medical devices, hindi po ito medicines,” pagdadahilan ng senador.
“Hindi ho kaya mayroong de-kahong kontrata na pinalitan na lang kung medicine ginawang laptop. Bakit po nakasama ang FDA? FDA is not part of this procurement process. Laptop po ito para sa DepEd,” anito.
Dahil dito, naghinalaang komite na minadali ang kontrata na ginamitan ng isang template contract.
Gayunman, napansin ng senador na hindi tinanggal ang ilang detalyeng nilalaman nito na hindi naman kailangan sa tinutukoy na kontrata.
“Ang nakikita ko rito, nabulaga sa pagamamadali ‘yung mga abogado, in-adopt na lang ‘yung de-kahon pro forma na kontrata, nakalimutang alisin 'yung FDA. Buti hindi inilagay dito ang face masks. So laptop ang pinag-uusapan natin. Parang hindi napag-aralan ng abogado kasi kung maayos ayos na abogado, tatanungin niya, bakit kasama itong FDA law sa pagbili ng laptop?” banggit pa ni Tolentino.
Sa kanyang panig, inamin niDepEd assistant secretary for procurement and administrationAtty. Salvador Malana III na sumaksi sa pirmahan na isang "malaking pagkakamali" ang pagkakasama ng FDA law sa kontrata.
Matatandaang inirereklamo ng mga guro ang mga laptop na nabili ng PS-DBM dahil umano sa "lipas na sa panahon" at hindi ito napapakinabangan sa ipitutupad na online learning.