Dahil papalapit na ang BER months, pinapayuhan ng Department of Trade and Industry ang publiko na umpisahan nang mamili ng mga noche buena items.

Tuwing sasapit ang BER months inaasahan ang pagtaas ng presyo sa mga produktong karaniwang inihahanda tuwing Pasko at Bagong Taon. 

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na mas mura pa ang noche buena items sa panahong ito at nagtataas o may paggalaw ang presyo kapag papalapit na ang holiday season dahil sa demand.

Dagdag pa ni Castelo, maglalabas sila ng listahan ng presyo ng mga noche buena items sa huling linggo ng Oktubre o sa unang linggo ng Nobyembre upang magabayan ang mga mamimili.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara