'Daming hanash!'

Dumipensa si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao kung bakit tila ay late ang anunsyo nito ng pagsuspinde ng klase sa kaniyang nasasakupan.

Sa Facebook post ng alkalde, sinabi nitong tinitimbang nito kung "worth it" daw ang gagawing pagsuspinde dahil ayaw aniya masayang ang ginawang pagsisikap para sa face-to-face classes.

Humingi naman ang alkalde ng dispensa sa mga naapektuhan ng late suspension at sinabi nitong magiging mas maayos pa ang kanyang desisyon sa susunod.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"I take the blame, and sorry if sayang sa pamasahe nyo and all the gas. Last night, nagpost na po kami sa Balon Bayambang suspension of classes until prep lang because, education is a priority of mine, but because of the weather and state of some, some I repeat and not all schools, we decided to suspend up to high school altogether. I do take the blame and Pasensya na po ulit," ani Jose-Quiambao.

Dagdag pa ng alkalde, naiintindihan naman niya ang kalagayan ng mga estudyante at maging mga magulang dahil siya mismo ay may anak na kasalukuyang nasa unang baitang.

Sinabi naman niya na hindi na mauulit ang nangyari at nagbiro pa na wala pang bagyo ay agaran na siyang magsususpinde.

Aniya, "I do take the blame, parents should use their own discretion- I am a parent my son is grade 1 and late ko na din nasuspend.. and the thing is I really am the parent of the whole town- INA ng bayan so I do take the blame. This will never happen again. Next time Wala pang BAGYO suspended na lahat haha super advance."