Hindi tataas ang presyo ng gulay sa Metro Manila sa kabila ng pagtama ng bagyong 'Florita' sa Northern Luzon kamakailan, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules.
Sa isinagawang press briefing sa Malacañang, binanggit ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, inaalam pa rin nila ang halaga ng kabuuang pinsala sa agrikultura sa Ilocos Norte.
“Ilocos Norte is not Metro Manila's only source since we are looking at only 220 metric tons, of which only 2 metric tons are vegetables. The rest is basically rice. So we do not expect the prices of vegetables here in Metro Manila to move due to storm and its effects in Ilocos Norte at this point,” aniya.
Sa paunang datos ng DA, aabot sa₱3.01 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Ilocos Norte na ikinaapekto ng 310 na magsasaka.
Aniya, gumagawa na sila ng hakbang upang matulungan ang mga magsasaka at naka-standby na rin ang mga Kadiwa store ng ahensya sa rehiyon.
"We have biologics for our affected livestock raisers. We also have rice, corn, and vegetable seeds for farmers needing aid,” lahad nito.
Pinagana na rin ng DA ang kanilangquick response fund (QRF) na pangangasiwaan ng mga regional office upang matulungan ang mga magsasaka.