Naging makabuluhan ang pagbabalik-aksyon ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos masungkit ang medalyang ginto sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany nitong Miyerkules ng madaling araw.

Nakubra ni Obiena ang medalya nang matalon ang 5.81 metro kaya natalo nito si world No. 2 Chris Nilsen ng United States, nakakuha lamang ng ikalawang puwesto nang malampasan ang 5.71 metro habang si Kurtis Marschall ng Australia ay nakuha ang ikatlong puwesto.

Nabigong maitala ni Obiena ang 5.95 metro matapos ang tatlong beses na pagtatangka.

"Great start for the second part of the season," banggit ni Obiena sa kanyang Facebook post.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sasabak din si Obiena sa Athletissima Meet sa Lausanne, Switzerland simula Agosto 25-26, bago ang pagsalang sa TrueAthletics Classics sa Leverkusen sa Germany sa Agosto 28.