Naghatid ng inspirasyon sa mga netizen ang Instagram post ng aktres na si Maxene Magalona tungkol sa positibong pagtanggap sa timbang o korte ng katawan.

Aniya, minsan daw ay nakararanas siyang pumayat o tumaba, subalit wala siyang pakialam tungkol dito. Kalakip ng kaniyang post ang yoga session niya.

"Sometimes, I’m thick. Sometimes, I’m thin. All the time, I don’t care 🤷🏻‍♀️" pahayag ni Maxene.

Alam umano ni Maxene mas mahalaga pa rin ang tunay na lagay ng kaniyang kalooban, kaysa sa korte o hitsura ng kaniyang katawang pisikal.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

"I know I am more than my physical body. I admit there are times when I get lazy and overindulge in sweets but I’m okay with that. I also know that I am only human. I will inevitably stumble and fall," aniya.

"The best that I can do is pick myself back up and hold myself gently through the process as I keep going with my head held high and my heart filled with unlimited hope."

Nagkomento naman dito ang aktor na si Vance Larena, na nakasama niya sa nagtapos na teleseryeng "Viral Scandal" sa Kapamilya Network.

"Love this post ate max! Love you!" saad ni Vance.

Nagkomento naman dito ang aktres ng tatlong puso.

Hindi lamang si Vance ang natuwa sa kaniyang post kundi ang iba pang mga netizen. Nagbigay sila ng encouraging words para kay Maxene.

"You're flawsome!"

"Thank you for sending light!"

"You’re beautiful inside and out sweet Maxene."

"Really love this about you. Whatever happens, keep going!"

"Right on. We have to move past the physical. Because. We’re supernatural beings!"

"No matter what Ma'am. As long as your happy and healthy. So proud of you…"

"Looking fab! No to body shaming!"