PINUKPUK, Kalinga -- Natagpuang patay ang isang magsasaka na pinaniniwalaang biktima ng bagyong Florita sa Sitio Pon-ad Ananaw, Barangay Wagud Pinukpuk, Kalinga, noong Agosto 23, ayon sa isang ulatna nakarating sa Pinukpuk Municipal Police Station.

Kinilala ang biktima na si Francis Cabanes Bitanga, 56, magsasaka at residente ng Sito Pisot, Barangay Wagud, Pinukpuk, Kalinga.

Ayon sa imbestigasyon ng Pinukpuk MPS noong hapon ng Agosto 22, ang biktima ay nagtungo sa Sitio Pon-ad para tignan umano ang kanyang "kaingin" at nagpalipas ng gabi sa kubo ni Fortunato Uggay.

Sa pahayag ni Uggay, umalis ang biktima sa kanyang lugar dakong alas 6:00 ng umaga ng Agosto 23, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at hangin dulot ng bagyong Florita.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon naman sa pahayag ng asawa ng biktima na si Margarita Bitanga, tinawagan niya si Uggay sa pamamagitan ng handheld radio para tanungin kung nasaan ang asawa.

Sinabi ni Uggay na maagang umalis ang biktima para umuwi at dahil dito nagpasya si Uggay na sundan ang foot trail hanggang sa nakita niya ang bangkay ng biktima dakong alas 3:00 ng hapon ng Agosto 23 sa dulong bahagi ng creek na nadaganan ng tuyong dahon ng puno ng ilang-ilang.