Kasado na ang world tour ng longest-running Sunday musical variety show ng bansa ngayong taon.

Ito’y kasunod ng anunsyo ng “ASAP Natin ‘To” sa kanilang social media pages nitong Martes.

Nakatakdang muling dalhin ng Kapamilya Network ang programa sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Asia Pacific, Middle East, Europe at North America.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ngayong 2022, ipapakita natin ang galing ng global Pinoy sa mundo cause we’re bringing world class entertainment to the world stage!” anang anunsyo.

Magsasanib-puwersa para sa malaking proyekto ang The Filipino Channel (TFC) at ABS-CBN Entertainment.

Ang unang leg ng “Asap Natin ‘To” world tour ay kumpirmado nang gaganapin sa entertainment capital of the world, ang Last Vegas Nevada sa darating na Nobyembre 5.

Ang Sunday variety show ay tahanan ng ilang maningning na Kapamilya singers at talents.