CAGAYAN — Nagdala ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Florita sa buong lalawigan na nakaapekto sa agrikultura, pinsala sa mga pangunahing daanan, libu-libong pamilyang inilikas at tatlong naiulat na nasawi.

Sa pinakahuling ulat ni Rogelio Sending Jr., information officer ng lalawigan ng Cagayan, ang inisyal na pinsala sa agrikultura nitong Miyerkules, Agosto 24 ay aabot sa P194,360,559.46.

Sa estima, umabot sa P40,867,454.46 ang pinsala ni Florita sa palay, P128,670,105.00 sa mais; P9,489,000.00 sa fisheries, at P15,334,000.00 sa mga fishpond para sa kabuuang P194,360,559.46. Tinatayang aabot naman sa P191,545 ang pinsala ng bagyo sa livestock.

Nasa 3,700 pamilya sa 153 barangay o tinatayang nasa 12, 394 katao ang apektado ng pahagupit ng bagyo sa lalawigan; may kabuuang 2,349 pamilya na may 7,168 indibidwal ang naitalang inilikas din.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nanatili sa loob ng ilang evacuation centers ang 2,243 pamilya na may 6,876 indibidwal habang mayroon din sa labas ng evacuation centers na aabot sa tinatayang 117 pamilya na may 362 indibidwal.

Sa pag-uulat, tinatayang nasa 266 na pamilya na lang o may 841 indibidwal ang mga nakasilong sa evacuation centers.

Nananatiling hindi madadaanan ang Capatan Overflow Bridge sa Capatan, Tuguegarao City dagdah ng city information officer.

Naiulat ding impassaple ang mga kalsada sa Sitio Masin, Solan; Gunnacao St., Centro 5 sa Tuguegarao City at ang Provincial Road ng Dungan-Nanurangan-Anungu-Anurturu-Minanga Road.

Tatlo ang nasawi dahil sa hagupit ng bagyo. Ang mga hindi pa natukoy na biktima ay naiulat na nabagsakan ng mga natumbang puno sa Tuguegarao, Enrile at Allacapan.