Ipinagdiwang ni Kapuso actress Gabbi Garcia ang panibagong milestone bilang isa sa mga most-followed Pinay celebrities sa Facebook.

Tumabo na ng mahigit 14 million ang followers ni Gabbi bagay na ipinagpasalamat ng aktres noong Lunes.

Patuloy rin na lumulobo ang followers ng aktres sa Instagram na kasalukuyan nang nasa 9.2 followers sa pag-uulat.

Kaliwa’t kanan naman ang endorsement ni Gabbi na makikita sa kaniyang social media.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Basahin: Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, nauna nang sinabi ni Gabbi sa isang panayam na magpapahinga na muna ang aktres sa kaniyang acting career ngayong Setyembre para sa isang well-deserved na bakasyon sa Amerika kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.

Basahin: Kapuso couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos, magpapahinga sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito’y kasunod na matagumpay na serye nila sa Kapuso Network na “Love You Stranger” kasama si Gil Cuerva.

“We’re gonna take a break this September. Pahinga, pahinga,” ani Khalil sa isang panayam.