Maglalaan ang Department of Justice (DOJ) ng hotline para matawagan ng mga saksi sa mga insidente ng extrajudicial killings (EJK).

Diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ang kailangan nila ay testigo na handang manindigan at tumayo sa hukuman para ilahad ang mga nalalaman nito.

Giit ng Kalihim na hindi naman kailangan ang International Criminal Court (ICC) dahil gumagana naman ang mga korte at sistema ng hustisya sa bansa.

Tiniyak ng DOJ Secretary na bibigyan nila ng proteksyon at tulong pinansiyal ang mga lalabas na saksi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay sa sandaling maproseso ang mga testimonya nila at makitang may batayan ang kanilang mga alegasyon para maisulong ang mga kaso laban sa sangkot sa mga pagpatay.

Paniniyak pa ni Remulla na wala silang sisinuhin sa paghahabol sa mga sangkot sa EJK.