Nahanap na ang Grade 8 student na naiulat na nawawala sa Trece Martires, Cavite noong Agosto 23.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/24/13-anyos-na-lalaki-nawawala-sa-unang-araw-ng-f2f-class-sa-cavite/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/24/13-anyos-na-lalaki-nawawala-sa-unang-araw-ng-f2f-class-sa-cavite/

Sa isang Facebook post kinumpirma ni Joena Quezon, ina ng estudyante na si Bobby Quezon Jr., na nahanap na ang kanyang anak.

Aniya, "Hello po, good afternoon, nahanap na po si Bobby. Sa Rosario po siya nakita at sinundo."

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa pamamagitan ng pagshare at comment sa kaniyang post noong Martes, Agosto 23.

"Maraming salamat po sa lahat ng tumulong, sa mga nagshare at comment, tumulong sa paghahanap, pati rin po sa mga sinama siya sa kanilang prayers. Salamat po siya Diyos at ligtas na siya. Salamat din po ulit sa inyo."

Wala namang nabanggit ang ina kung bakit nasa Rosario, Cavite ang estudyante. Gayunman, sa Facebook post ng Cavite Connect, niyaya umano si Bobby ng kaniyang kaklase na maglaro ng video game.

"Sa Panayam ng Cavite Connect sa Magulang ng nawawalang bata na si Bobby Quezon, sinabi nito na natagpuan ang kanyang anak sa Bayan ng Rosario Cavite ngayong umaga. Madumi ang damit at sa kubo umano natulog ang bata batay sa kwento nito sa kanya," anang Cavite Connect.

"Niyaya umano ang bata na maglaro ng video game ng kanyang kaibigan matapos magdeklara kahapon ng walang pasok. Laking pasasalamat naman ng magulang ng bata na ligtas at walang anumang sugat o galos ang bata.

"Pagsasabihan umano nila ang kanilang anak at mas babantayan pa ito upang hindi na maulit ang pangyayari," paglalahad pa nito.