"Nagpapayabangan" pero pareho lamang daw poser ang pelikulang "Maid in Malacañang" ni Direk Darryl Yap at "Katips" ni Atty. Vince Tañada, ayon sa film director na si Joselito "Jay" Altarejos.

Ayon sa naging panayam sa kaniya ng media para sa kaniyang ika-15 anibersaryo sa film industry, sinabi umano ni Altarehos na pareho lang naman ang dalawang pelikula.

"'Katips' and 'Maid in Malacañang' are in the same mold. Look at them. They are both vying kung sino mas malaki ang kinita. Itong isa nagsasabi na malaki ang kinita namin pero joke lang daw. So that's disinformation. You are not helping to solve the problem. You are being part of the problem,” aniya.

Kung totoong para sa bayan ang naturang mga pelikula, sana raw ay ibinigay na lamang nang libre ang mga tiket sa taumbayan. Kapitalismo pa rin umano ang nanaig at tinawag pa niyang "poser" ang dalawang nagbabanggaang pelikula.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Poser 'yang dalawang 'yan. Magkapareho lang sila. Wala silang pinagkaiba. Sino nagpalabas ng libre sa kanila? Nagyayabangan pa kung sino mas malaking kinita. Kapitalista pala kayo e. Hindi para sa bayan 'yan."

Inamin naman ng direktor na hindi pa niya napapanood ang dalawang pelikula dahil ayaw aniyang manood ng basura.

Pareho ding binira ng film director sina Yap at Tañada.

"Sasabihin titignan natin kung ano 'yung mabuti at masama. Put, kahit anong magandang nangyari sa panahon ng Marcos, alalahanin natin na may pinatay, may inabuso. Kahit anong kabutihan na 'yon ay hindi katumbas ng buhay,” pahayag ng direktor laban sa MiM.

At para naman sa Katips, "Tigilan natin na mga Kakampinks paglaban sa mga Marcos kunwari yung 'Katips' tapos sasabihin ng direktor 'ay hindi po ito anti-Marcos.' Ano ka, gumagawa ka ng pelikula tungkol sa Martial Law hindi ka anti-Marcos? Ano ka, pro-Marcos?”

Nakilala ang mga award-winning indie films ni Altarejos gaya ng "Ang Lihim ni Antonio", "Ang Lalake sa Parola", "Ang Laro ng Buhay ni Juan", "Kasal", at marami pang iba. Siya ang founder ng grupong " 2076 Kolektib".

"2076 Kolektib is a group of media practitioners that creates contents aimed to arouse, organize, and mobilize people to resist any form of oppression," saad sa deskripsiyon ng Facebook page nito.

Si Altarejos ay lumilikha rin ng mga pelikula sa ilalim ng VIVA Films. Kadalasan ay LGBTQIA+-themed ang kaniyang mga pelikula.