Darating sa bansa sa Nobyembre ang inangkat na 150,000 metriko toneladang refined sugar upang mapunan ang kakulangan ng suplay nito.
Ito ang tiniyak ni Sugar Regulatory Administration (SRA) acting administrator David John Thaddeus Alba, nang dumalo ito sa opening ceremony ng68th Annual National Convention ngPhilippine Sugar Technologists Association sa SMX Convention Center sa Bacolod City nitong Miyerkules.
Saklaw aniya ng Sugar Order No. 2 ang pag-aangkat na inirekomenda ng SRA Board kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang maaprubahan.
“Then that’s when we start the procedure of importing. The target date for the shipment to arrive should be before November 15. Why November 15? Because by that time, our refineries will be operational and wewouldhave enough supply of sugar,” banggit nito sa mga mamamahayag.
Nakipagpulong aniya sila sa mga sektor na makikinabang sa pag-aangkat upang madetermina kung paano hati-hatiin ang inangkat na asukal.
Bukod kay Alba, dumalo rin sa nasabing pagtitipon sinaSRA board members Pablo Luis Azcona at Ma. Mitzi Mangwag.
PNA