Nalampasan na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang 28.6 milyon na target enrollees para sa School Year 2022-2023.

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 ng DepEd, nabatid na hanggang alas-7:30 ng umaga ng Agosto 23, 2022, nasa 28,797,660 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral para sa kasalukuyang taong panuruan. 

Ito ay katumbas ng 104.49% o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa enrollment ng SY 2021-2022 na nasa 27,560,661 lamang. 

Anang DepEd, mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 24,668,233 ang mula sa enrollment quick count habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration. 

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,944,335 na sinusundan ng Region III (2,972,066), at NCR (2,762,592).

Bagamat maaaring nagkaroon ng duplikasyon mula sa datos ng Early Registration at Quick Count, ito ay matutukoy ng sistema sa umpisa ng School Year. 

"Ngayon balik-eskwela, tandaan na panatilihing ligtas at protektado ka mula sa banta ng pandemya. Huwag kalimutang sundin ang ating mga health and safety protocols," paalala ng DepEd. 

Pinayuhan rin nito ang publiko na kung may katanungan kaugnay sa enrollment at pagbabalik-eskwela ngayong SY 2022-2023, ay bisitahin lamang ang: bit.ly/OBE2022Hotlines