Ipinagmalaki ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez na natapos niya ang bachelor's degree sa kursong Communication Arts sa isang pamantasan sa Maynila, sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

“Don’t downgrade your dream just to fit your reality. Upgrade your conviction to match your destiny," panimula ni Ruffa sa kaniyang Instagram post.

"I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week," magandang balita ni Ruffa.

"I would not have been able to successfully embark on my educational journey without the continuous guidance of PWU‘s ETEEAP team of professionals and the immeasurable support of my loved ones."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

At mukhang itutuloy na ni Ruffa ang kaniyang pag-aaral---sa kaniyang master's degree program sa naturang kurso at pamantasan.

"Because of my enduring commitment to continuously seeking knowledge and equipping myself with new skills that will help me prosper and fulfill my dreams in the ever-changing global scene, I also proudly share with you that I am officially an MA-ComArts student at PWU. The journey continues -- unstoppable!"

Agad na nagpaabot ng pagbati sa kaniya ang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz, gayundin ang kapatid na si Richard Gutierrez.

"Congratulations @iloveruffag, we are proud of you!"

"Love you Chard!" tugon naman ni Ruffa.

Ilan pa sa mga nagpaabot ng pagbati ay sina Rajo Laurel, Mariel Padilla, Tim Yap, KaladKaren Davila, RK Bagatsing, Arci Munoz, at marami pang iba.

Maging ang kaniyang anak na si Lorin ay nagpahatid din ng pagbati para sa kaniya.