Binati ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos ang kanyang First Lady na si Liza Araneta-Marcos sa birthday celebration nito noong Linggo, Agosto 21.

Sa isang vlog, ibinahagi ni PBBMang kanilang sorpresa para sa ika-63 na kaarawan ni Liza.

Mapapanood sa naturang vlog kung paano sinorpresa ng Pamilya Marcos at malalapit nilang kaibigan ang first lady.

Samantala, nagbigay naman ng birthday message ang pangulo para sa kanyang maybahay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable a person she really is. Sometimes it's really hard to believe that she did me the favor of marrying me. Happy Birthday my dear wife, Liza Marcos!" ani PBBM.

Ikinasal sina PBBM at First lady Liza noong Abril 17, 1993.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Ferdinand Alexander III "Sandro," Joseph Simon, at William Vincent "Vince.”