Usap-usapan ngayon ng netizens ang isang anunsyo ng paluwagan sa Cebu hindi para sa mga alahas, o brand new cellphone kundi para sa inaasam-asam na pagpaparetoke ng ilong.

Viral ngayon sa Facebook ang public announcement ng isang Nicky Ann Fernandez matapos ipaskil ang ikalimang batch ng “Paluwagan Rhinoplasty” nitong Linggo.

Nicky Ann Fernandez via Facebook

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Sa anunsyo, makikita rin ang tila ilan nang satisfied client ng mga nauna niyang kliyente para sa patok na paluwagan.

Aniya sa post, dahil sa dami ng requests ay muling magbubukas ng ikalimang batch.

Dagdag na detalye ng anunsyo, nasa P5,000 kada buwan ang ihuhulog ng mga kliyente ni Nicky Ann para sa inaasam-asam na transformation.

Dahil sa kakaibang paluwagan, umani ng sari-saring reaksyon sa mga netizens ang naturang anunsyo.

Marami rin sa mga netizens ang nagpahayag ng interes sa paluwagan gayundin ang ilang detalye nito kabilang ang location, haba ng bubunuing paghuhulog bukod sa iba pa.

Ayon sa isang website, sa Pilipinas, pumapatak ng P30,000 hanggang P80,000 ang rhinoplasty surgery kabilang na ang room charges, implants, local anesthesia at professional fee para sa surgeon.

Sa kabila ng wala namang masamang hangarin, hindi naman nakaligtas ang anunsyo sa mga tampulan ng netizens na tila ginawang biro ang paluwagan.

Sa Facebook account ni Nicky Ann, mapapansin na kilala rin ang promotor ng paluwagan para sa cellphone, furniture at pawnable jewelries.

Sinubukang hingan ng panayam ng Balita Online si Nicky Ann ngunit hindi pa ito nagpapaunlak sa pag-uulat.

Kung sisilipin online, ilang grupo na rin ang nagbukas ng parehong rhinoplasty paluwagan na tila nauuso na rin ngayon.