Kinikilala ang husay ng mga Pilipino hindi lamang sa bansa ngunit maging sa buong mundo. Iyan ang pinatunayan ng isa nating kababayan, ang tao sa likod ng pagsungkit ni Anna Sueangam-iam sa korona ng Miss Universe Thailand.

Nakaraang Hulyo 30, kinoronahan si Anna bilang MU Thailand. Maging malaking papel sa likod ng tagumpay ni Anna ang Filipino pageant coach na si RL Lacanienta.

Noong Hunyo 12, huling araw ng aplikasyon para sa MUT 2022, inanunsyo ni Lacanienta sa kanyang Instagram account ang kanyang pakikipagtulungan sa team ni Anna.

Maituturing na well-experienced na si RL dahil mahigit isang dekada na siyang pageant coach.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Siya rin ang founder ng pageant training camp na RL's Angels, pinaglagihan ni Anna sa loob ng dalawang linggo para sa madugong pag-ensayo.

May matibay at matatag na rin na pangalan sa industriya ng pageantry si RL dahil bukod kay Anna, ilang Pilipina na rin ang dumaan sa ilalim ng kanyang pagsasanay katulad na rin nina Miss Universe Philippines 2021 Tourism Katrina Dimaranan at Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano.

Kapag sinabing "world-class" ang husay, hindi nagbibiro si RL dahil hindi si Anna ang kauna-unahang international beauty queen ang sinanay nito. Sumailalim rin sa kanya sina Miss Supranational 2019 Anntonia Porsild mula sa Thailand, Miss Universe Chile 2021 Antonia Figueroa, Miss Universe Japan 2019 second runner-up Yuki Sonada, at Miss Universe Thailand 2019 Paweensuda Drouin.

Kasalukuyan nang dumadaan sa matinding training si Anna sa patnubay ni RL para i-representa ang Thailand sa international pageant.

Wala pang opisyal na pahayag ang MU hinggil sa kung saan gaganapin ang tinaguriang "most beautiful day in the universe."

Samantala, simula 2023, tatanggapin na ng Miss Universe Organization ang mga delagadang dati o kasalukuyang may-asawa, buntis, o isa nang ganap na ina.

BASAHIN: Miss Universe, bubuksan na maging sa kababaihang buntis, may anak, asawa

Ito ang ulat na ipinabatid ng pageant community Missosology nitong Sabado, kaugnay sa isang email na ipinadala sa mga national director.

“Effective the 72nd Miss Universe and national preliminary competition leading up to it, women who are or have been married, as well as women who are pregnant or have children, will be able to compete,” mababasa sa nasabing abiso.