Ikinasal na ang couple na sina Nica Del Rosario at Justine Peña, na pawang nasa likod ng mga ginamit na campaign songs ng Leni-Kiko tandem noong nagdaang halalan.

Matatandaang ibinahagi ng singer-songwriter na si Nica ng awiting "Rosas", pamagat ng campaign song ng dating Vice President at kandidato sa pagkapangulo na si Atty. Leni Robredo, na nagtungo na siya sa Sydney, Australia upang pakasalan ang kaniyang partner na si Justine.

Bukod sa "Rosas", sila rin ng kaniyang partner ang nag-perform ng campaign jingle na "Kay Leni Tayo" kasama sina Jeli Mateo, Pow Chavez, Rap Sanchez, Penelope, Cheryl Tugade, MYK, MCO & Mat Olavides.

Ibinahagi ng dalawa ang kani-kanilang mga sweet moments habang at pagkatapos ng kanilang kasal, na ginanap sa Australia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

https://twitter.com/nicadelrosario/status/1561886522663895041

Mula sa Twitter account ni Nica Del Rosario

https://twitter.com/nicadelrosario/status/1561850271332188161

Mula sa Twitter account ni Nica Del Rosario

https://twitter.com/nicadelrosario/status/1561850591026229249

Mula sa Twitter account ni Nica Del Rosario

Ibinuking naman ni Justine na medyo nagkaroon umano ng kaunting aberya sa kanilang kasal. Una, ang orihinal na spot kung saan sila ikakasal ay pinagtambayan ng lokal na rappers na may dala-dala pang sound system.

Pangalawa, hindi naaprubahan ang visa ng kanilang kaibigang photographer, kaya labis-labis ang pasasalamat nila kay "Mark" na isang wedding photographer na nagboluntaryong ito na lamang ang kumuha ng kanilang mga litrato at video.

Congrats, Nica at Justine!