Hindi napigilang maging emosyonal ni Carmina Villaroel sa birthday message ng isa sa kaniyang kambal na si Kapuso heartthrob Mavy Legaspi.

Sa kamakailang episode ng “Sarap, ‘Di ba?”, late na ipinagdiwang ng weekend show ang ika-47 kaarawan ng Kapuso actress kung saan present ang kaniyang kambal na si Cassy at Mavy, gayundin ang asawang si Zoren Legaspi.

Sa mensahe ni Cassy, pinalasamatan niya ang kaniyang nanay sa pagiging caring, at selfless nito sa kanilang pamilya.

“I want the whole world to know how selfless you are and how caring you are. You see this woman in front of you, she’s very beautiful on the outside and on the inside. Mommy, I love you much,” ani Cassy na makikitang pinigilang maging emosyonal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sunod na nagbigay ng mensahe si Mavy na ikinahagulgol ng kaniyang nanay.

“Happy birthday to my love at first sight, my first love. Kahit 21 years-old na ako, ikaw pa rin ang number one sa puso ko, always. Ikaw ang number one girl sa buhay ko; ikaw yung priority ko forever,” sabi ni Mavy.

Hindi lingid sa publiko ang relasyon ni Mavy sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

“Sana matupad yung pangarap ko this year--you decide to choose yourself this time before others because you deserve it,” dagdag ng anak.

“I’ll always say this since I was a kid, until now, until forever na mommy I love you forever, I love you for always.”

Pinasalamatan naman pabalik ni Carmina ang kaniyang pamilya sa pagmamahal, pag-aalaga at suporta na binibigay ng mga ito sa kaniya.

“The past nine months, ten months, difficult but somehow you make it easier for me. Pinaramdam niyo sa akin kung ano ibig sabihin ng pamilya,” matalinhaga ngunit hindi pagdedetalyeng saad ni Carmina.

Pag-amin ng aktres, inalalayan siya ng kaniyang pamilya kahit aminado siyang hindi naging present sa buhay ng mga ito sa nakalipas na mga buwan.

Pinasalamatan din ni Carmina ang kaniyang pamilya sa pag-aalaga noon sa kanyang Daddy Reggie na pumanaw noong Hunyo lang.