Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na nabawasan na at umaabot na lamang sa 40,000 ang classroom shortage sa bansa.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, malaking kabawasan ito kumpara sa dating kakulangan na nasa 91,000.

“With the strategies implemented by most of our schools, we have lowered the shortage to around 40,000,” ani Poa, sa panayam sa telebisyon.

Matatandaang una nang kinumpirma ng DepEd na kabilang ang classroom shortage sa mga hamong kinaharap nila sa pagbubukas ng klase sa bansa nitong Lunes. 

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi naman ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, na hindi sapat na dahilan ang kakulangan ng silid-aralan upang hindi matuloy ang pagbabalik-eskwelahan ng mga bata.

Upang masolusyunan naman ang problema, nagpatupad ng shifting ng klase ang DepEd, hinati ang malalaking silid-aralan at nagpatupad rin sila ng blended learning.