Nagsalita na ang isa sa mga suspek tungkol sa umano'y karumal-dumal na nangyari sa biktimang si Jovelyn Galleno na unang iniulat na nawawala umano sa loob ng isang mall sa Puerto Princesa, Palawan kamakailan.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/14/nawawalang-si-jovelyn-galleno-di-pa-rin-mahagilap-urban-legend-muling-nauungkat/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/14/nawawalang-si-jovelyn-galleno-di-pa-rin-mahagilap-urban-legend-muling-nauungkat/

Sa ulat ng Radyo Bandera Philippines ng Puerto Princesa, kinilala ang suspek na si Leobert Dasmariñas at itinuro nito ang kasama niya sa krimen na si Jovert Valdestamon na bagong laya umano sa kulungan, ayon sa una. Sila ay pareho umanong pinsang buo ni Jovelyn.

Kuwento ni Dasmariñas sa kanyang panayam sa Radyo Bandera, plinano nila ni Valdestamon ang krimen laban sa dalaga. Kaya't inabangan talaga nila ang pag-uwi nito noong Agosto 5.Nang makababa raw ang dalaga sa isang multicab, sinundan umano niya ito habang naka-abang naman si Valdestamon sa unahan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon pa sa kanya, nang masigurado niyang wala ng tao sa paligid agad niyang sinenyasan ang kasabwat gamit ang lighter at doon na umano hinatak ni Valdestamon ang dalaga at dinala sa damuhan. Medyo malayo raw siya sa dalawa ngunit nakita niyang pumipiglas ang pinsan niyang babae nang takpan ang mukha nito.

Mahina na raw si Jovelyn habang hinihila ng suspek, tsaka na lamang ito binuhat nang lupaypay na ito. Kuwento pa niya, kahit na malayo siya ay tanaw niyang hinubaran ng suspek ang dalaga.

Pagkatapos daw gahasain ni Valdestamon si Jovelyn, sumenyas sa kanya ang suspek na lumapit siya sa pinangyarihan ng insidente. Doon ay nakita niyang wala nang buhay ang dalaga.

Pag-amin ni Dasmariñas, pagkatapos ng krimen ay umuwi siya sa kanilang bahay ngunit hindi siya agad nagsumbong kaninoman dahil takot siya kay Valdestamon dahil bagong laya raw umano ito.

Iginiit niya na wala umano siyang ginawa kay Jovelyn, naging look out lamang daw siya niValdestamon.Aniya pa, wala raw kapalit ang kanyang pag-look out, sadyang natakot lamang daw umano siya dahil baka kung ano raw ang gawin nito sa kanya.

Samantala, sa ulat ng Radyo Bandera, itinuro umano ni Dasmariñas ang lugar kung saan iniwan ang bangkay ni Jovelyn. Nang puntahan ng mga otoridad, tumambad sa kanila ang umano'y bungo at kalansay ng biktima.

Isasailalim sa eksaminasyon ang umano'y bangkay ng dalaga kung siya nga ba ito o hindi.