Ibinahagi ng Kapamilya singer na si Jed Madela na naloko siya ng isang scammer dahil sa pagnanais na makapag-alaga ng isang pet dog.

Nasabi tuloy ni Jed, minsan daw talaga eh hindi rin magandang super nice ka sa isang tao, dahil 'ika nga, puwede itong samantalahin.

"It’s so difficult when you’re too nice," panimula ng mahusay na singer sa kaniyang Facebook post noong Agosto 16.

Isinalaysay ni Jed kung paano siya nabiktima ng isang scammer, na nag-message daw sa kaniya tungkol sa isang tuta.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Someone messaged me about gifting me a puppy and his only request was for me to send him dog food until the pup was ready to be sent. I thought that was it. But then, from dog food, he asked for vaccination payments (which I gave)… then asked for payment for registration (which I also gave)… and payment for delivery (you know I did)… then the puppy got sick (daw)… then he was just waiting for the go signal of the vet for the puppy to be sent… then all sorts of alibis…"

"That was in June."

"It’s now August…"

"Looks like I was scammed again…"

"Oh yeah… and that previous post about me paying for a product ordered? It never arrived. And was never refunded. Haaaayyyy…"

Batay sa kaniyang post, hindi ito ang unang beses na na-scam si Jed dahil sa pagiging "nice".

Noong Agosto 17, ibinida ni Jed na may bago na siyang alagang puppy pero hindi ito ang pet dog na sinasabing "inaalagaan" ng scammer kaya panay hingi ng pera sa kaniya.