Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang mga mag-aaral laban sa pagiging part-time professor ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa College of Law ng West Visayas State University o WVSU.

Labing-anim na mga mag-aaral na miyembro ng National Democratic Mass Organizations (NDMOs) ang nagsagawa ng kilos-protesta laban sa pagtuturo ng Criminal Law 1 ng Unang Ginang, gayundin ang panawagang huwag isulong ang mandatory ROTC,pagdepensa sa academic freedom, mas ligtas na balik-eskwela, at iba pa.

Ibinalita ito sa social media platform ng university student publication ng WVSU na "Forum-Dimensions".

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

Batay umano sa panayam kay Arlie Bosque ng Kabataan Partylist-Panay and National Union of Students of the Philippines, ang pagkakatalaga sa Unang Ginang bilang propesora sa kanilang pamantasan ay banta sa kasaysayan. Hindi aniya nila kinukuwestyon ang kwalipikasyon nito kundi ang banta ng "historial denialism".

Samantala, namahagi naman si Mrs. Marcos ng mga gadget at libro sa kaniyang mga mag-aaral, nang sorpresahin naman siya nito noong Biyernes, Agosto 19, para sa kaniyang ika-63 kaarawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/22/first-lady-liza-araneta-marcos-namahagi-ng-gadgets-libro-sa-mga-estudyante-niya-sa-wvsu/">https://balita.net.ph/2022/08/22/first-lady-liza-araneta-marcos-namahagi-ng-gadgets-libro-sa-mga-estudyante-niya-sa-wvsu/

Bago ang protestang ito ay nauna nang nagpakita ng pag-alma ang ilang mga mag-aaral ng College of Law matapos nilang magsuot ng itim na protest shirt.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/17/ilang-estudyante-ng-wvsu-college-of-law-kung-saan-magtuturo-si-prof-liza-marcos-nagsuot-ng-protest-shirt/">https://balita.net.ph/2022/08/17/ilang-estudyante-ng-wvsu-college-of-law-kung-saan-magtuturo-si-prof-liza-marcos-nagsuot-ng-protest-shirt/