Mukhang windang din sa pagtaas ng presyo ng puting sibuyas ang kauna-unahang Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz, matapos nitong magkomento sa Instagram post ng talent manager na si Noel Ferrer.

Ibinahagi kasi ni Noel ang screengrabs ng naging Instagram story ni actress-host-chef Judy Ann Santos-Agoncillo tungkol sa mataas na presyo ng puting sibuyas; na mula sa ₱40 per kilo, ngayon ay ₱550 na! Kaya sa halip na maiyak sa paghihiwa, mas maiiyak daw ang bibili sa lumobong presyo ng puting sibuyas.

View this post on Instagram

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati, kailangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ako sa presyo mo!" saad sa caption ng kaniyang litrato, na ibinahagi sa IG story.

Sa isa pang litrato, makikitang yakap-yakap ni Juday ang mga biniling puting sibuyas.

"Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ko, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/22/nanamnamin-kita-bago-iluto-judy-ann-napayakap-naiyak-sa-presyo-ng-puting-sibuyas/">https://balita.net.ph/2022/08/22/nanamnamin-kita-bago-iluto-judy-ann-napayakap-naiyak-sa-presyo-ng-puting-sibuyas/

Matapos itong maibalita ay maraming nagsabing "OA" o over-acting ang naging reaksiyon ni Juday.

Kaya naman sa isa pang Instagram story, sinabi ni Juday na hindi pa rin talaga siya maka-move on sa panibagong presyo ng puting sibuyas, na dating ₱40 per kilo, ngayon ay ₱550 na!

"Pasensya na… hindi talaga ko maka-move on… yung dati naman kasing 40 pesos per kilo, naging 550 na! Paano naman akong hindi magpapaka-OA! Paano na ang sisig!! Onion soup, onion rings, at kung ano-ano pa."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/juday-di-talaga-maka-move-on-sa-presyo-ng-puting-sibuyas-dating-%e2%82%b140-per-kilo-%e2%82%b1550-na/">https://balita.net.ph/2022/08/23/juday-di-talaga-maka-move-on-sa-presyo-ng-puting-sibuyas-dating-₱40-per-kilo-₱550-na/

Sey naman ni Noel Ferrer, "#RealTalk #NagpapakatotoolLang homemaker @officialjuday feels the crunch… paano pa kaya ang ibang mga kababayan natin!!!?!🥲🇵🇭🙏 #GodBlessPinas," caption ni Noel. Ibinahagi niya ang screengrab ng IG story ni Juday.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/23/noel-ferrer-feel-ang-real-talk-ni-juday-hidilyn-diaz-magtatanim-na-lang-daw-ng-sibuyas/">https://balita.net.ph/2022/08/23/noel-ferrer-feel-ang-real-talk-ni-juday-hidilyn-diaz-magtatanim-na-lang-daw-ng-sibuyas/

Sa comment section ay nagkomento naman si Hidilyn na inaanak sa kasal ni Juday.

"Magtanim na ko ng sibuyas," saad nito.

Dalawang netizen naman ang agad na nagkomento sa kaniya.

"Oo tanim ka rin ampalaya hahaha."

"Magpraktis ka na lang oi di yung nakikisawsaw ka!"

Hindi naman ito pinatulan ng gold medalist.