Nagdeklara na ng giyera ang pamahalaan laban sa child pornography at child online exploitation.

Sa press briefing sa Malacanang nitong Martes, sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na bumuo na sila ng inter-agency task force at magtutulungan ang iba't ibang mga ahensya ng pamahalaan para nasawata na ang nasabing krimen sa bansa.

Kumbinsido ang mga kinauukulan na isang billion dollar industry ang child pornography at online child sexual exploitation kung sana ang Pilipinas ang biktima at ang mga nangunguna o mastermind umano ay ang mga dayuhan sa ibang mga bansa.

Ayon kay Remulla na lumalabas sa mga ahensya ng pamahalaan na karamihan sa mga dayuhan na parokyano ng ganitong mga uri ng cyber materials ay mga Europian.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Sinabi naman ni DILG Secretary Benhur Abalos na lumalabas na numero uno ang Pilipinas sa buong mundo sa online child pornography kung saan ang mga batang walang kalaban laban ay nagagamit mismo ng sariling mga walang pusong magulang para pagkakitaan. 

Sinabi naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na matagal nang problema ito sa bansa at hindi lamang natutugunan dahil naging abala ang pamahalaan sa ibang mga bagay tulad ng pandemya, war on drugs, terorismo at graft and corruption.

Nagbabala naman ang opisyal ng pamahalaan na kulong ang parusa na ipapataw sa sinumang mapatutunayang sangkot sa nasabing krimen