Ibinida ng Kakampink social media personality na si "Pipay" ang kaniyang litrato ng kaniyang tattoo sa bandang bisig; ito ay isang rosas at ang hawakan ay bumubuo sa salitang "Tumindig".

"Promised this to myself, now it’s with me forever 🌸," caption ni Pipay sa kaniyang tweet.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

https://twitter.com/pipaykipayy/status/1561001271834079232

Ibinahagi rin ito ni Pipay sa kaniyang Facebook account at pabirong "paracetamol" talaga ang nakasulat sa halip na tumindig.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Salute! I'm sure ang pagtindig mo cause you a lot but until now proud ka pa rin. Proud kami sa'yo!"

"Ang namulat ay hindi na muling pipikit! Tindig mga Kakampink!"

"Nagbubulag-bulagan pa rin…"

"Mananatili ang pagtindig! Kaisa mo kami!"

Matatandaang isa si Pipay sa mga social media personality na nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem noong nagdaang halalan.

"Ako si Pipay, isang maganda at paborito ng Diyos, nakiki-isa sa pagsuporta kay Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan kasama ang Tropa ng Senatorial Slate para sa bayan na matagal na nating pinapangarap. Tara, samahan ninyo kami na kulayan ng Rosas ang ating Kinabukasan!"