Binatikos ni Sen. Grace Poe ang umano’y kakulangan sa kahandaan ng muling pagbubukas ng pisikal na mga klase nitong Lunes, Agosto 22.

Bagaman sinabi ng Department of Education (DepEd) na naging maayos at payapa ang muling pagbabalik sa mga eskwelahan ng nasa 28 milyon na mga estudyante, tila hindi naman kumbinsido rito si Poe.

Basahin: Pagbabalik-eskwela ng mahigit 28M estudyante, naging maayos, mapayapa — DepEd – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang pahayag, tinira ng mambabatas ang kagawaran at ilan pang mga sangkot na tanggapan ukol sa umano’y kakulangan sa paghahanda ng muling pagbabalik-eskwela.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“We could have been better prepared,” pagsisimula ni Poe sa kaniyang pahayag.

“When we asked our students to return to classes amid the pandemic, all systems should have been in place to ensure that public utility vehicles are available, traffic flow is manned efficiently and health protocols are observed,” dagdag niya.

Matatandaang ilang ulat kaugnay ng kakulangan ng ilang pasilidad kagaya ng mga upuan ang umani ng atensyon sa social media.

“Classrooms are expected to have the basic facilities. Students should be sitting on chairs, not on the floor. Our students deserve a safe and comfortable experience as they brave going back to school amid the lingering pandemic,” dagdag ng senador.

Gayunpaman, umaasa si Poe na babawi ang mga kinauukulang ahensya para sa ilang naranasang problema ngayong unang araw ng pagbubukas ng pisikal na mga klase.

Sa pag-uulat, wala pang pahayag ang DepEd ukol sa pahayag na ito ng senador.