Nakarekober na sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mahawaan nitong Agosto 15.

“Negativena,” paliwanag ni Cruz-Angeles sa kanyang official Facebook account.

Dumalo na sa flag-raising ceremony nitong Lunes si Cruz-Angeles at bumalik na rin sa kanyang trabaho.

Nitong nakaraang linggo, nakiusap si Cruz-Angeles sa mga mamamahayag na hindi muna niya mapagbigyan sa mga panayam dahil sa nararamdaman na niyang nahahawaan na ng sakit.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Gayunman, wala aniya siyang nararamdaman na sintomas ng sakit.

Matapos mahawaan, sumailalim sa home quarantine si Cruz-Angeles hanggang sa makarekober.

PNA