Lubhang nakaaalarma ang mga balita ng biglaang pangunguha, pagkawala, at pagkamatay ng ilang mga indibidwal na sapilitang isinasakay sa isang van o iba pang mga behikulo, kagaya na lamang ng isang insidente ng pag-kidnap sa isang lalaki sa gasolinahan, na natagpuan ang bangkay sa isang kalsada sa Quezon, gayundin ang hindi pa nareresolbang kaso ng pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Kaya naman, iminungkahi ng isang netizen na nagngangalang "Maria Darlyn Romanillos" ang isang app na ginagamit nilang magkakaibigan upang ma-trace kung nasaan na ba ang mahal sa buhay.

"Hello! Since tumataas na po ang kaso ng kidnapping ngayon, I’m sharing this app Life 360. Sobrang helpful sa aming magkakaibigan, we’ve been using this app for months now, you can pin location dito na kung saan ka lagi pumupunta like work and bahay n'yo, so magnonotif sa bubble (or group) na nag-arrived ka safely sa pin location na palagi mong pinupuntahan, magnonotif din if you left na sa place na pinagstay-an mo."

"May notif din if your family or friends phone is low battery na and makikita mo rin if driving or nasa byahe na yung mga kasama mo sa bubble (or group). Mababantayan mo yung mga kasama mo kahit malayo," patunay pa ni Maria.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Available yung app sa Android and Apple (iOs). Need lang po ng data nung app."

Ibinahagi ng netizen ang screengrab ng naturang app upang makatulong sa iba pang mga netizen.