Hindi akalain ng netizen na si Rafaella Sta. Ana na ang kaniyang simpleng pag-flex sa kinagiliwang 83 anyos na photographer na kaniyang naka-engkuwentro sa isang parke ay magbibigay-daan dito upang dagsain ng tulong mula sa mga netizen na natuwa at nabigyang-inspirasyon sa kaniyang kuwento.

Noong Agosto 11, nag-post sa kaniyang Facebook si Rafaella tungkol sa lolo traditional photographer na si Celde Salvacion, na nag-alok sa kaniya kung gusto ba niyang magpakuha ng litrato kasama ang mga anak. Nang mga sandaling iyon ay namamasyal sila sa parke.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Kahit de-camera naman ang kaniyang cellphone, at kung tutuusin ay puwede silang mag-selfie ng mga anak "one to sawa", nabagbag umano ang damdamin ni Rafaella sa masipag na photographer, na sa kabila ng kaniyang edad ay kumakayod pa rin, kahit na kung tutuusin, hindi na masyadong napapansin ang mga park photographer dahil halos lahat ay may cellphone na.

"Seeing him, Super tanda na ni lolo. 🥺 Kaya G!!! Sabi niya araw araw siyang nasa park para mag baka-sakali na makapag-income pa siya. Grabe medyo naawa ako kasi promise tanda na ni Lolo…" story time ni Rafaella.

"So ayun, ang patient niya maghintay na magbehave ang kids, para makuha ng magandang photo. 👌🏽 Medyo nalito pa si Lolo after kasi akala niya naka-5 shots sya, tas inexplain ko na nakalagay sa camera niya 3 lang. You have to be patient lang in case malito din si lolo after niya kayo mapicturan.☺️."

"Super bilis lang, 3 shots tapos papaprint niya lang ng saglit. In my case kanina, nagbayad na 'ko agad, tas hinintay lang namin siya while lakad lakad, bumalik naman siya agad 👌🏽☺️ Wala pong cp si Lolo, kaya abangan n'yo na lang sya. Sa may perfect image lang naman sya nagpapaprint."

"Pag bigay niya sakin ng prints, big smile talaga siya. Sabi pa niya, "Balik kayo dito ha!'"

Natuwa naman si Rafaella dahil maganda ang kalidad ng mga litrato ni Lolo Celde. Hinimok niya ang mga netizen na kung sakaling mapapadpad sila sa Gensan Plaza/Park, mangyaring suportahan ang matanda, gayundin ang iba pang mga park photographers na nagkalat at nag-aabang ng customer.

Matapos maging viral ang kaniyang FB post ay dumagsa umano ang tulong para sa matanda.

"Dahil sa dami po ng gusto mag-donate kay Lolo, nag-set up na po kami ng GCash account kung saan puwede tapos ibibigay na lang po namin sa kanya in-person (We will take photos and videos for proof na naibigay sa kaniya). Kaya sa lahat po ng gusto magpabigay ng donations or anuman kay Lolo Celde, please PM me po for details kung paano and saan po puwede ipadala," ani Rafaella.

Noong Agosto 18 ay ibinahagi ni Rafaella ang sorpresang pagdalaw nila kay Lolo Celde upang ibigay rito ang mga tulong na ipinaabot ng mga netizen, na nabagbag ang damdamin sa kaniyang kuwento.

"Background muna- Lolo Celde Salvacion is the oldest and one of the first ever traditional photographers in Gen. Santos City. Lolo is 83 years old and has been in love with photography since he was 12 years old. Until now, he still does photography, he rides his bike going to Gensan Park everyday (almost 6km from his home), and he shared that on his good days he earns 210-420 pesos pero may mga araw daw talaga na 0 kasi walang nagpapapicture," kuwento ni Rafaella.

"Okayyyyy soooo, ETO NA NGA!!! Sinurprise namin si Lolo Celde kanina sa park, timing andun din yung eldest na anak niya, si Tatay Robert, narecognize niya ako nung tinanong ko kung alam niya kung san si Lolo, kaya naman tinuro niya agad samin kung saan nakapwesto si Lolo. Pag kita namin kay Lolo, kasama niya mga friends niya na traditional photographer din. ☺️."

Labis-labis daw ang pasasalamat ni Lolo Celde sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong at regalo para sa kaniya. Umabot pa raw siya ng 83 anyos bago niya maranasan ang mga bagay na iyon.

"THEY WANTED EVERYONE TO KNOW NA SOBRANG NAGPAPASALAMAT SILA DAHIL SA PAGMAMAHAL, TULONG, AT SUPORTA NIYO KAY LOLO CELDE. Nag-chat sakin ang apo ni Lolo sabi na, sobrang saya raw nila Lolo and told us na si Lord na raw ang magbe-bless sa lahat-lahat ng mga tao na nag-donate at nagpasaya kay Lolo."

"I just want to thank everyone and acknowledge that THIS DAY WOULD NOT BE POSSIBLE IF IT WASN'T FOR ALL THE PEOPLE WHO SHARED THEIR BLESSINGS TO LOLO CELDE & HIS FAMILY AND TO EVERYONE WHO SHARED THE POST NA NAGPA-TRENDING KAY LOLO CELDE 😍 THANK YOU AGAIN AND GOD BLESS PO ♥️," pasasalamat ni Rafaella sa lahat ng mga netizen.