DAGUPAN CITY -- Nagdeklara ng kanselasyon ng mga klase si Mayor Belen T Fernandez sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan at suspensiyon ng trabaho sa lahat ng institusyon ng gobyerno dahil sa Bagyong "Florita" at high tide.

Sa inilabas na kautusan noong Lunes ng gabi, sinabi ni Fernandez na ang kanselasyon ng mga klase sa lahat ng antas at ang pagsuspinde ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa loob ng territorial jurisdiction ng lungsod noong Martes, Agosto 23, dahil sa presensiya ng Bagyong Florita.

Sinabi ni Fernandez na inaasahang magdadala ito ng malakas na pag-ulan at ang patuloy na pagbaha sa lahat ng mga pangunahing lansangan at mababang lugar sa lungsod na dulot ng high tide, na maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Direktiba ni Mayor Belen Fernandez

Gayunpaman, sinabi ng alkalde na ang mga ahensya at kagawaran na nagbibigay ng esensyal at mahahalagang serbisyo, partikular ang mga direktang sangkot sa pagbawas at pamamahala sa panganib ng kalamidad, ay dapat panatilihin ang mga operasyon ng kani-kanilang mga tanggapan.

Dahil kailangan nilang tiyakin ang pagpapatuloy ng paghahatid ng mga serbisyo sa publiko.

Sinabi ng PAGASA, noong Martes, malakas hanggang sa matinding pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.

Katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Aurora, Zambales, at Bataan. Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.