Matapos umanong sorpresahin ng kaniyang mga mag-aaral sa Western Visayas State University si First Lady Liza Araneta-Marcos para sa kaniyang 63rd birthday noong Biyernes, Agosto 19, sila naman ang mas nasorpresa matapos mamahagi ang Unang Ginang ng gadgets na magagamit nila sa pag-aaral.

Ibinahagi ito sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Joe Marie Agriam".

"A very HAPPY BIRTHDAY to First Lady, Atty. Liza Araneta-Marcos who is celebrating her birthday today, August 21," saad nito.

"Last Friday, she was greeted with a hearty birthday song by her students at the West Visayas State University School of Law in Iloilo City where she teaches Criminal Law."

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"She gifted her students with 36 Huawei matepads and textbooks. How lucky are her students."

Nagmula ang mga litrato at video sa isang netizen na nagngangalang "Virma Yasa Apostol."

Matatandaang part-time bilang propesor ng Criminal Law 1 ang First Lady sa WVSU ngayong Academic Year 2022-2023. Ilang mga estudyante ang nagpakita ng pagtutol dito sa pamamagitan ng pagsusuot ng protest shirt, na ang nakalagay ay "#NeverAgainToMartialLaw".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/17/ilang-estudyante-ng-wvsu-college-of-law-kung-saan-magtuturo-si-prof-liza-marcos-nagsuot-ng-protest-shirt/">https://balita.net.ph/2022/08/17/ilang-estudyante-ng-wvsu-college-of-law-kung-saan-magtuturo-si-prof-liza-marcos-nagsuot-ng-protest-shirt/